 |
Creative Works |
Canadian Rockies
Ni Clarence M. Batan
Kung paanong nabuo ang hanay ng mga bundok
Sa gitna ng malawak na kontinenteng
Yumayakap hanggang sa kailalimang ng mundo
Ay di ko kayang maintindiha’t matanto.
Malalaking tipak ng mga batong waring
May binabantayang mahalagang kaharian.
Nyebeng humahalik sa espasyong
Humuhugis ng iba’t ibang kwento…
Malamig na yelong gumuguhit ng larawang
Di kayang ipaliwanag ng mga salita,
Ni di kayang kulungin sa kanbas ng
Pinakamagaling na pintor na isinilang sa mundo,
‘Pagkat ang talento’t kulay ay di sasapat
At ang tangkang paglalarawa’y di maaapuhap.
Ang mahaba’t liku-likong landas
Na sa dambuhalang mga bundok ay bumabagtas,
Binubuhay ng mga luntiang halamang
Kakaiba ang katangian dahil
May kakayahang mabuhay sa
Apat na dikta ng panahon:
Tag-init, tag-lagas, tag-lamig at tag-sibol.
Sa bahaging ito ng mundo
Nangungusap ang Maylikha,
Nagpapaalala sa Kanyang Kadakilaan
Kung saan, ang paglikha’y
Di abot ng anumang kaalaman –
Dahil ito’y kagalinga’t kagandahan,
Kabutiha’t kapurihan ng Poong Maykapal.
…Na sa aking panghihina
Kawalan ng loob at pag-aalinlangan
Muli kong nabatid ang halaga ng buhay
Dahil nakita ng aking mapagdudang mga mata
Ang napakagandang likha ng Panginoon!
April 30, 2008
Written while driving close to the Canadian Rockies (Alberta, Canada) with JP and Ramel.
|
Your journey humble soul
By Clarence M. Batan
Journey into the world unknown
Of good and evil, of trust and deceit,
Search for the seed unsown
Enshrined and freed by belief.
Pierced by faith and meaningful hope
In the blossoming life you seek
Let your spirit shine, God’s simple gift!
February 1, 2008
I wrote this short poem
for a friend who taught me the value of friendship and the significance of God's words. As such, my life has become more meaningful geared towards running my life's race without doubt but more of faith.
Taglagas sa New York
Ni Clarence M. Batan
Dahong lagas na waring dumadamit
Sa pagod na kalye
Sa kakatapak ng mga taong naglalakad
Tumatakbo’t namamasyal.
Iba’t ibang wika, samu’t saring kulay
Mula bata hanggang matanda -
Dinarama ang sandaling samyo
Ng malamig na hanging nagpapalagaslas
Sa dahong tuyo.
Nagpapalit na ang luntiang kulay ng mga
Dahon sa mga puno.
At ilang araw na lang
Kapag ang pagkapit sa sanga’y napigtal
Waring tuod na lang ang matitirang anyo.
Parang naglaho na ang buhay pero hindi.
Pansamantala lang na hinaharap ang
Papalamig na panahon –
Daramhin lang ang panunuot ng niyebe sa
Maselang mga sanga’t ugat…
Hanggang makahanap muli ng tamang oras,
Upang sariwang pausbungin
Ang mga bagong luntiang dahong
Muling sasayaw kasabay ng mainit na hangin
Upang magbigay lilim.
Central Park , New York City
Sa pagitan ng 69 th & 5 th Streets
October 20, 2007
|
I have fallen in love four times
Today I turn 31, and I have fallen in love four times.
I have fallen in love the first time
When I felt my mother's embrace,
My father's charm and my only brother's tease.
They constitute the first self in me
Which founded my being.
The second time love struck me
Was when I became conscious,
Sensitive and critical of the things, places,
Relationships and persons around me.
I discovered the 'social' and
Learned to move beyond
What this world calls the 'personal'.
Sociology is my third love.
My tool in understanding the world,
My guide in gaining sense of
Life's complex issues and
My refuge -- my claim within
Career's social space
Where I intend to make a difference.
The fourth, I cannot reveal.
It is something or someone that
I would like to keep for myself
And for others to keep on wondering.
It is my way of pushing life to the fullest,
Despite my imperfections.
A life strategy designed to accept contingencies
Without flare or pun, but with love and fun.
Birthday poem
January 11, 2006
5:15 pm
|
| |
| |
| |
| Downloads |
| Click to view content. |
| |
| |
|
|
 |